Edukasyon Online Academy Learning Hub
Site blog
Anyone in the world
Below is a side-by-side presentation of Article Three (3) of the 1987 Philippine Constitution in the Filipino language and in English.
IN FILIPINO | ENGLISH TRANSLATION |
---|---|
ARTIKULO III | ARTICLE III |
KATIPUNAN NG MGA KARAPATAN | BILL OF RIGHTS |
SEKSYON 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, or ari-arian ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas. | Section 1. No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws. |
SEKSYON 2. Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant sa paghalughog o warrant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyakang tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin. | Section 2. The right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose shall be inviolable, and no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses he may produce, and particularly describing the place to be searched and the persons or things to be seized. |
SEKSYON 3. (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya maliban sa legal na utos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiibang kaligtasan o kaayusan ng bayan ayon sa itinakda ng batas. (2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin sa paglilitis ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito o sa sinusundang seksyon. |
Section 3. (1) The privacy of communication and correspondence shall be inviolable except upon lawful order of the court, or when public safety or order requires otherwise, as prescribed by law. (2) Any evidence obtained in violation of this or the preceding section shall be inadmissible for any purpose in any proceeding. |
SEKSYON 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayabang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan. | Section 4. No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances. |
SEKSYON 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa malayang pagsasagamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at pagsamba nang walang pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit pangrelihiyon sa pagsasagamit ng karapatang sibil o pampulitika. | Section 5. No law shall be made respecting an establishment of religion, or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed. No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights. |
SEKSYON 6. Hindi dapat bawalan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal na utos ng hukuman. Ni hindi dapat bawalan ang karapatan sa paglalakbay maliban kung para sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa, kaligtasang pambayan, o kalusugang pambayan ayon sa maaaring itadhana ng batas. | Section 6. The liberty of abode and of changing the same within the limits prescribed by law shall not be impaired except upon lawful order of the court. Neither shall the right to travel be impaired except in the interest of national security, public safety, or public health, as may be provided by law. |
SEKSYON 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng taong-bayan na mapagbatiran hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pampublikong impormasyon. Ang kaalaman sa mga opisyal na rekord, at sa mga dokumento at papeles tungkol sa mga opisyal na gawain, transaksyon, o pasya, gayon din sa mga datos sa pananaliksik ng pamahalaan na pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa ilalim ng mga katakdaang maaaring itadhana ng batas. | Section 7. The right of the people to information on matters of public concern shall be recognized. Access to official records, and to documents and papers pertaining to official acts, transactions, or decisions, as well as to government research data used as basis for policy development, shall be afforded the citizen, subject to such limitations as may be provided by law. |
SEKSYON 8. Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga taong-bayan kabilang ang mga naglilingkod sa publiko at pribadong sektor na magtatag ng mga asosasyon, mga unyon, o mga kapisanan sa mga layuning hindi lalabag sa batas. | Section 8. The right of the people, including those employed in the public and private sectors, to form unions, associations, or societies for purposes not contrary to law shall not be abridged. |
SEKSYON 9. Ang mga pribadong ariarian ay hindi dapat kunin ukol sa gamit pambayan nang walang wastong kabayaran. | Section 9. Private property shall not be taken for public use without just compensation. |
SEKSYON 10. Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng mga kontrata. | Section 10. No law impairing the obligation of contracts shall be passed. |
SEKSYON 11. Hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang malayang pagdulog sa mga hukuman at sa mga kalupunang mala-panghukuman at sapat na tulong pambatas nang dahil sa karalitaan. | Section 11. Free access to the courts and quasi-judicial bodies and adequate legal assistance shall not be denied to any person by reason of poverty. |
SEKSYON 12. (1) Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay dapat magkaroon ng karapatang mapatalastasan ng kaniyang karapatang magsawalang-kibo at magkaroon ng abogadong may sapat na kakayahan at malaya na lalong kanais-nais kung siya ang maypili. Kung hindi niya makakayanan ang paglilingkod ng abogado, kinakailangang pagkalooban siya ng isa. Hindi maiuurong ang mga karapatang ito maliban kung nakasulat at sa harap ng abogado. (2) Hindi siya dapat gamitan ng labis na pagpapahirap, pwersa, dahas, pananakot, pagbabanta, o ano mang paraaan na pipinsala sa kanyang malayang pagpapasya. Ipinagbabawal ang mga lihim kulungan, solitaryo, ingkomunikado, o iba pang katulad ng anyo ng detensyon. (3) Hindi dapat tanggaping ebidensya laban sa kanya ang ano mang pagtatapat o pag-amin na nakuha nang labag sa seksyong ito o sa seksyong labing-pito. (4) Dapat magtadhana ang batas ng mga kaparusahang penal at sibil sa mga paglabag sa seksyong ito at gayon din ng bayad-pinsala at rehabilitasyon sa mga biktima ng labis na mga paghihirap o katulad ng mga nakagawian, at sa kanilang mga pamilya. |
Section 12. (1) Any person under investigation for the commission of an offense shall have the right to be informed of his right to remain silent and to have competent and independent counsel preferably of his own choice. If the person cannot afford the services of counsel, he must be provided with one. These rights cannot be waived except in writing and in the presence of counsel. (2) No torture, force, violence, threat, intimidation, or any other means which vitiate the free will shall be used against him. Secret detention places, solitary, incommunicado, or other similar forms of detention are prohibited. (3) Any confession or admission obtained in violation of this or Section 17 hereof shall be inadmissible in evidence against him. (4) The law shall provide for penal and civil sanctions for violations of this section as well as compensation to the rehabilitation of victims of torture or similar practices, and their families. |
SEKSYON 13. Ang lahat ng mga tao, maliban sa mga nahahabla sa mga paglabag na pinarurusahan ng reclusion perpetua kapag matibay ang ebidensya ng pagkakasala, bago mahatulan, ay dapat mapyansahan ng sapat ng pyador, o maaaring palayain sa bisa ng panagot ayon sa maaaring itadhana ng batas. Hindi dapat bawalan ang karapatan sa pyansa kahit na suspendido ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus. Hindi dapat kailanganin ang malabis na pyansa. |
Section 13. All persons, except those charged with offenses punishable by reclusion perpetua when evidence of guilt is strong, shall, before conviction, be bailable by sufficient sureties, or be released on recognizance as may be provided by law. The right to bail shall not be impaired even when the privilege of the writ of habeas corpus is suspended. Excessive bail shall not be required. |
SEKSYON 14. (1) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang kriminal ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas. (2) Sa lahat ng mga pag-uusig kriminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na walang sala hangga’t hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa ng karapatang magmatwid sa pamamagitan ng sarili at ng abogado, mapatalastasan ng uri at dahilan ng sakdal laban sa kanya, magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan, at hayagan paglitis, makaharap ang mga testigo, magkaroon ng sapilitang kaparaanan upang matiyak ang pagharap ng mga testigo sa paglilitaw ng ebidensyang para sa kanyang kapakanan. Gayon man, matapos mabasa ang sakdal, maaring ituloy ang paglilitis kahit wala ang nasasakdal sa pasubaling marapat na napatalastasan siya at di makatwiran ang kanyang kabiguang humarap. |
Section 14. (1) No person shall be held to answer for a criminal offense without due process of law. (2) In all criminal prosecutions, the accused shall be presumed innocent until the contrary is proved, and shall enjoy the right to be heard by himself and counsel, to be informed of the nature and cause of the accusation against him, to have a speedy, impartial, and public trial, to meet the witnesses face to face, and to have compulsory process to secure the attendance of witnesses and the production of evidence in his behalf. However, after arraignment, trial may proceed notwithstanding the absence of the accused: Provided, that he has been duly notified and his failure to appear is unjustifiable. |
SEKSYON 15. Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus, maliban kung may pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasan pambayan. | Section 15. The privilege of the writ of habeas corpus shall not be suspended except in cases of invasion or rebellion, when the public safety requires it. |
SEKSYON 16. Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang paglutas ng kanilang mga usapin sa lahat ng mga kalupunang panghukuman, mala-panghukuman, o pampangasiwaan. | Section 16. All persons shall have the right to a speedy disposition of their cases before all judicial, quasi-judicial, or administrative bodies. |
SEKSYON 17. Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili. | Section 17. No person shall be compelled to be a witness against himself. |
SEKSYON 18. (1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang paniniwala at hangaring pampulitika. (2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban kung kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala. |
Section 18. (1) No person shall be detained solely by reason of his political beliefs and aspirations.
(2) No involuntary servitude in any form shall exist except as a punishment for a crime whereof the party shall have been duly convicted. |
SEKSYON 19. (1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit, imbi o di-makataong parusa, o ang parusang kamatayan, matangi kung magtadhana ang Kongreso ng parusang kamatayan sa mga kadahilanang bunsod ng mga buktot ng krimen. Dapat ibaba sa reclusion perpetua ang naipataw nang parusang kamatayan. (2) Dapat lapatan ng kaukulang batas ang pagpapahirap na pisikal, sikolohikal, o imbing pagpaparusa sa sino mang bilanggo o detenido o ang paggamit ng mga kaluwagang penal na di-makatao. |
Section 19. (1) Excessive fines shall not be imposed, nor cruel, degrading or inhuman punishment inflicted. Neither shall death penalty be imposed, unless, for compelling reasons involving heinous crimes, the Congress hereafter provides for it. Any death penalty already imposed shall be reduced to reclusion perpetua. (2) The employment of physical, psychological, or degrading punishment against any prisoner or detainee or the use of substandard or inadequate penal facilities under subhuman conditions shall be dealt with by law.
|
SEKSYON 20. Hindi dapat ibilanggo ang isang tao nang dahil sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula. | Section 20. No person shall be imprisoned for debt or non-payment of a poll tax. |
SEKSYON 21. Hindi dapat na ang isang tao ay makalawang masapanganib ng kaparusahan sa iisang paglabag. Kung pinarurusahan ng batas at ng ordinansa ang isang kagagawan, ang pagkaparusa o pakaabswelto sa ilalim ng alin man dito ay magiging hadlang sa iba pang pag-uusig sa gayon ding kagagawan. | Section 21. No person shall be twice put in jeopardy of punishment for the same offense. If an act is punished by a law and an ordinance, conviction or acquittal under either shall constitute a bar to another prosecution for the same act. |
SEKSYON 22. Hindi dapat magpatibay ng batas ex post facto o bill of attainder. | Section 22. No ex post facto law or bill of attainder shall be enacted. |
[ Modified: Wednesday, 3 July 2024, 2:03 PM ]